MAGKAKASAKIT BA KAPAG NALIGO SA ULAN?

(Ni Ann Esternon)

“Huwag kang maligo sa ulan at lalagnatin ka. Magkakasakit ka riyan.”

Pamilyar tayo sa ganyang uri ng pangaral lalo na kung madalas natin itong marinig sa ating mga magulang. Pero ang tanong, magkakasakit ba kapag tayo ay naulanan o naligo sa ulan?

Madalas, nagkakaroon tayo ng sakit tulad ng lagnat o sipon at iba dahil sa bitbit nitong viruses. Nagkakasakit tayo kapag tayo ay exposed sa mga nabanggit. Pero hindi sinasabi ng pag-aaral na ang ulan mismo ang dahilan kung bakit pansamantalang nasisira ang ating kalusugan.

Inaakala ng marami na magkakasakit tayo kapag nabasa ng ulan dahil ang mabasa ay nagdudulot ng lamig – lamig na pwedeng isiping hindi kaya ng katawan na siyang nagsu-suppress ng immune system.

Hindi safe ang ulan kung ito ay dumaan muna sa maruming bagay bago mapunta sa iyo. Halimbawa nito ay kung ang ulan ay dumaan muna sa marumi o may kemikal na bubong bago napunta sa iyo.

Kung sadyang mahina ang ating katawan o kung mahina tayo sa lamig, posibleng manghina talaga tayo at madapuan ng sakit. Pero kung maayos ang ating resistensya, in no time ay makare-recover tayo agad.

Wala sa ulan ang sakit, dahil kahit nasa loob tayo ng bahay at naliligo sa shower room sa malamig na temperatura ay maaaring ganoon din ang makukuha natin kung mahina ang ating resistensya, dito na tayo nakokompromiso at kalaunan ay nagkakasakit na.

Pero kung duda ka sa ulan na iyan at nabasa ka, maiging mag shower agad sa loob ng bahay upang mawala ang bacteria na nakakapit sa iyo.

Saan nakukuha ang mga sakit?

– Stress

– Puyat

– Sobrang pagod

– Kakulangan ng sustansya sa kinakain

– Kawalan o kakulangan ng ehersisyo

– Sa paglapit o pagdikit sa mga taong may sakit

 

 

1367

Related posts

Leave a Comment