P3.5-M SHABU NASAMSAM SA QUEZON CITY

TINATAYANG aabot sa mahigit P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkin Villanueva, sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City nitong Linggo.

Ayon kay PDEA Public Affair Office chief, Director Derrick Carreon, dalawang magkahiwalay na anti-illegal drug operation ang inilunsad ng sa Barangay Batasan Hills at Barangay Pasong Tamo.

Kinilala ni PDEA Region 3, Regional Director Christine ang dalawang suspek na sina Dionisio Infante Jr. y Garcia, 24, driver, residente ng #50 Presidential Road, Brgy. Batasan Hills, at Cory Arnel y Baturiano, 24, driver, residente sa Maya St., Brgy. Batasan Hills, pawang ng Quezon City.

Nakuha sa dalawang suspek ang mahigit sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Habang arestado naman sa Barangay Pasong Tamo si alyas “Jaypee,” itinuturing na nangungunang drug personality sa listahan ng Quezon City Police District.

Nakuhanan kay “Jaypee” ng tinatayang P170,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Pawang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JESSE KABEL)

171

Related posts

Leave a Comment