NABUKING sa CCTV ang isang 30-anyos na hinihinalang lulong sa ilegal na droga, habang tinatangay ang isang bisekleta mula sa loob ng health center sa Dapitan St. sa Sampaloc, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo.
Swak sa selda ng Manila Police District- Station 4 ang suspek na kinilalang si Rodmark Maming y Landingin, binatA, tambay, residente sa 1822 Dapitan St., Sampaloc.
Base sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng tanghali nang makita sa CCTV ang isang lalaki habang tinatangay ang bisekleta mula sa loob ng Dapitan Health Center sa #2053 Piy Margal St. sa Sampaloc.
Agad na nag-report ang isang Jennifer Gonzales, barangay health worker, at residente ng 1151 Blumentritt St., sa Sampaloc, sa nakasasakop na barangay hall sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (RENE CRISOSTOMO)
175
