Naitala ng JTF COVID Shield sa 200-day community quarantine NAKAWAN BUMABA NG 60%

BUMABA ng 60 percent ang robbery and theft cases sa loob ng unang 200 araw nang pagpapairal ng community quarantine simula Marso 17 kumpara sa kapareho ring panahon bago nagpatupad ng mahigpit na mga hakbangin para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19).

Kaakibat din nito ang pagbaba ng mga insidente ng walong focus crime na tinututukan ng Philippine National police (PNP).

Sa kabuuan, ayon sa Joint Task Force COVID Shield, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 46% decline para sa eight focus crimes ng PNP – murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping ng mga motorsiklo at kotse.

Ayon kay P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang datus sa nakalipas na 200 araw ay patuloy na nagpapakitang kabaligtaran ito nang inaasahang biglang lolobo ang krimen sa bansa lalo na sa robbery and theft, bunsod ng coronavirus pandemic na nagdulot ng kawalan ng hanapbuhay at pagbagsak ng ekonomiya.

“While the community quarantine denied criminal elements the usual opportunity to strike, the increased police visibility down to the barangay level is a big factor in reducing criminal incidents across the country,” ani P/Lt. Gen. Eleazar.

Una rito, inatasan ni PNP Chief General Camilo Pancratius Cascolan ang lahat ng police commanders na tuloy-tuloy na palakasin ang presensiya ng pulisya sa lahat ng komunidad at magkaroon ng tuloy-tuloy na ugnayan sa barangay officials hindi lamang para mamantina ang peace and order kundi para makatulong din sa pagsawata sa pagkalat ng COVID-19.

Base sa JTF COVID data mula sa PNP, umaabot sa 1,8683 crimes ang naitala sa eight focus crimes mula Marso 17 hanggang Oktubre 2 ng kasalukuyang taon, kumpara sa 34,768 criminal incidents mula Agosto 30, 2019 hanggang Marso 16, 2020.

“Translated to a daily crime average, the Philippines has recorded an average of 93 criminal incidents per day during the 200-day implementation of the community quarantine compared to 174 per day incidents of the 200-day period before the community quarantine implementation,” pahayag pa ni P/Lt. Gen. Eleazar.

Ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa motorcycle carnapping na umabot sa a 64% decline, o mula sa 2,210 cases ay umabot lamang ito sa 786 sa loob ng quarantine period.

Ang mga kaso ng robbery ay bumaba ng 61%, o mula 5,627 cases ay nakapagtala lamang ng 2,073 kaso.

Samantala sa theft at carnapping ng mga sasakyan, umabot ito 60% decline, mula sa 11,653 cases tungo sa 4,690 kaso lamang para sa theft, at mula sa 240 cases sa carnapping of cars ay sumisid ito sa 97 kaso lamang.

Sa physical injury, bumaba ito ng 38% o mula 5,958 ay bumaba ito sa 3,692.

Ang rape cases ay nagpakita rin ng pagbaba mula sa 5,080 cases ay bumaba ito sa 3,911 o 23% decline.

Bumaba rin ang murder cases ng 20 porsyento, mula sa 3,463 ay naging 2,761, habang ang homicide cases ay nagtala ng 25 percent decline katumbas ng 897 kaso, na bumaba sa 673 cases.

Dahil dito, inatasan ni P/Lt. Gen. Eleazar ang lahat ng police commanders na patuloy na makipag-koordiansyon sa local government units (LGUs), dahil malaki ang papel na ginagampanan sa komunidad ng local officials sa pagsisikap ng PNP na masugpo ang kriminalidad.

Una nang inihayag ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Eduardo Año na hindi basta-basta magtatagumpay ang government law enforcers at iba pang mga awtoridad sa anti-crime efforts, maging sa anti-COVID measures, nang walang tulong ng LGUs dahil sila at ang mga tao sa komunidad ang mahalagang bahagi ng peace and order and health safety. (JESSE KABEL)

185

Related posts

Leave a Comment