PALASYO DEADMA SA FAKE NEWS VS PANGULO

pangulo

(NI LILIBETH JULIAN)

SANAY na ang Malacanang sa mga nagpapalabas ng fake news o masamang balita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ng Palasyo kasunod ng kumalat na fake news hinggil sa lagay ng kalusugan ng Pangulo at sinabi pang ‘patay’ na umano ito.

Sa press briefing sa Malacanang, Lunes ng umaga,  sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na walang plano ang Palasyo na ayaw nang patulan pa ang mga nagpapakalat ng masamang balita o impormasyon laban sa Pangulo gayundin ay walang planong maghain pa ng kaso laban sa mga responsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Sinabi ni Panelo na malakas pa ang pangangatawan ng Pangulo at sadyang makukulit lamang ang mga nasa likod ng maling balita at gusto lamang patayin ang Pangulo sa kanilang isip.

Gayunman, inamin ni Panelo na tao lamang ang Pangulo na kailangan din ang pahinga paminsan-minsan dahil hindi naman ito ‘Superman’.

Binigyan-diin ni Panelo na sanay na rin naman sila sa mga nabanggit na uri ng pekeng balita laban sa Pangulo dahil sa katunayan ay mayorya na ng mga Pilipino ang hindi na naniniwala pa rito.

Katunayan, sinabi ni Panelo na sa loob ng linggong ito ay may nakalinyang mga aktibidad ang Pangulo kaya makikita ito ng publiko.

 

155

Related posts

Leave a Comment