Ni Ann Esternon
Hindi siguro maiiwasang makakita sa merkado ng mga yuping de-latang pagkain o inumin o ang mga tinatawag na dented canned goods at iba sa mga ito ay nasa discounted price na.
Bilang matalinong consumer, dapat alam ninyo kung may epekto ito sakaling makonsumo.
Ang dented canned goods ay maaaring mayroong Clostridium botulinum, isang uri ng bacteria na may koneksyon sa botulism.
Ang botulism na kilala ring bilang botulinus intoxication, ay isang rare pero delikadong sakit na nakaaapekto sa nervous system at maaaring mauwi sa pagkaparalisa.
Unang tinatamaan ng botulism ay ang facial muscles at kakalat ito sa ibang bahagi ng ating katawan. Kung sakaling kumalat din ito sa breathing muscles, maaaring masundan ito sa respiratory failure.
Dahil ang yuping delata ay maaaring makontamina, posibleng ma-food poison ang kakain nito. Kaya sa susunod na bibili ng mga de-lata, siguraduhing walang yupi ito. Huwag ring padadala kahit ito ay on sale pa.
Maliban sa pagsuri kung yupi ang nabiling canned goods, itsek din ang expiration date nito.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)