LAHAT PROTEKSYUNAN LABAN SA DISKRIMINASYON – SOLON

HINDI lang ang mga miyembro ng third sex o Lesbians, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ) community ang dapat proteksyunan laban sa diskriminasyon kundi lahat ng mamamayan.

Ito ang pahayag ni Manila Congressman Bienvenido Abante dahil kailangang din umano ng lahat ng uri ng tao na nakararanas ng diskriminasyon ang proteksyon ng estado.

Ginawa ni Abante na isang Bishop, ang nasabing pahayag sa gitna ng nakatakdang pagpapatibay sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) na magbibigay ng proteksyon sa mga miyembro ng third sex.

“All forms of discrimination reprehensible, and believes that it is the responsibility of Congress to address this social ill by punishing those who discriminate against Filipino citizens,” ani Abante.

Ito aniya ang dahilan kaya inihain niya ang House Bill (HB) 5969 o Anti-Discrimination Act of 2020 upang hindi lang isang sektor ng lipunan ang maproteksyunan laban sa diskriminasyon.

Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang LGBT ang nakararanas ng diskriminasyon kundi ibang mga tao rin dahil sa kanilang itsura, lahi, paniniwala lalo na sa relihiyon.

Karaniwan din aniyang nagkakaroon ng diskriminasyon sa mga taong walang pinag-aralan, pagiging single o kaya hiwalay sa asawa, iniwan ng asawa, dahil sa kanyang kapansanan at pagkakaroon ng sakit tulad ng Human Immunodeficiency Virus-Acquiared Immuno Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) at iba pa.

Dahil dito, nais ng mambabatas na pag-isahin na lamang ang batas na poprotekta sa lahat ng tao laban sa diskriminasyon at hindi lang isang sektor upang lahat ay maprotektahan ng estado.

“I will not in anyway be discriminatory against any kind of person whatever their lifestyle might be. Let us live and let live… and let the Lord be the one to judge people,” anang mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

387

Related posts

Leave a Comment