MARIING pinabulaanan ng Philippine Navy ang pahayag ng China na naokupa o nakubkob na nito ang Sandy Cay na tinatawag nito bilang Tie Xian Reef sa disputed waters o pinagtatalunang karagatan sa South China Sea. Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea, layon ng pahayag ng China na ilayo ang atensyon ng publiko sa mga alegasyon ng Chinese spies at troll farm na kinuha ng Chinese Embassy sa Manila noong 2023. “Tsineck natin kasama ang Coast Guard, ang Navy, ang AFP, ang BFAR,…
Read MoreDay: April 28, 2025
Fake FB account gamit sa kampanya LIMAY EX-MAYOR INIREKLAMO SA COMELEC
PORMAL na sinampahan ng reklamong ‘election offense’ sa Commission on Elections (Comelec) si dating Limay, Bataan, mayor Lilvir ‘Ver’ Roque dahil sa patuloy na paggamit ng ‘fake account’ sa social media. Sa 15-pahinang reklamong isinampa sa Comelec main office sa Maynila nitong Abril 22, inireklamo ni Raymond dela Fuente, residente at botante ng Limay, si Roque nang paglabag sa Comelec Resolution 11064, na gumagabay sa kampanya gamit ang social media at RA 9006 (Fair Election Act). Nakasaad sa reklamo, ang ginagawa ni Roque ay malinaw na paghamak sa kapangyarihan ng…
Read MoreBUONG ‘ALYANSA’ SLATE HUMATAW SA BAGONG OCTA SURVEY
UMARANGKADA sa winning circle ang 11 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa pinakahuling survey ng OCTA Research na isinagawa nitong Abril 10-16. Nanguna mula sa hanay ng senatorial slate na ineendorso ni Pangulong Bongbong Marcos si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na rumanggo ng 1-2 at may voter preference na 61.2%. Kapwa naman pang-11-19 sina dating Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos at Senate Majority Leader Francis Tolentino na may voter preference na 28.8% at 27.7% ayon sa pagkakasunod. Pasok din sina dating Senate President Tito Sotto…
Read MoreKALIGTASAN NG MGA PINOY SA ABROAD, APELA NG AKO-OFW
DAPAT tiyakin ang seguridad ng mga Pilipino na nagkakaroon ng pagtitipon sa ibang bansa. Ito ang apela ni 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap matapos ang malagim na insidente sa selebrasyon ng Lapu-Lapu Day sa Vancouver, Canada kung saan 11 sa kababayan natin ang nasawi at marami ring nasugatan. Ani Umandap, dapat agad makuha ng mga nasawing Pinoy ang katarungan at suporta para sa mga biktima at kanilang pamilya. Ang ganito umanong uri ng trahedya sa isang pagdiriwang ng ating kultura at bayanihan ay hindi katanggap-tanggap na pangyayari…
Read MoreMGA LEHITIMONG EMPLEYADO SA PASIG CITY HALL DAPAT IBALIK
HINILING ng grupo ng mga residente ng Pasig City na ibalik ang lahat ng lehitimong empleyado ng Pasig City Hall na anila ay inalis sa pwesto at pinalitan ng mga taga-Quezon City nang maupo sa pwesto si Mayor Vico Sotto noong 2019. Ginawa ang panawagan matapos magreklamo ang ilang residente at business owners sa naranasan nilang hindi maayos na serbisyo sa Pasig City Hall. Ayon sa Samahan ng mga KOoperatiba sa Pasig (SAKOP), kung maibabalik sa kani-kanilang pwesto ang mga lehitimong empleyado ay mas masisiguro ang de kalidad na serbisyo…
Read MoreDALAWANG LINGGO BAGO HALALAN, ERWIN TULFO NANGUNA SA PINAKABAGONG SENATORIAL SURVEY
DALAWANG linggo na lang bago ang May 12 election, nangunguna pa rin si ACT-CIS Party-list Representative at Alyansa para sa Bagong Pilipinas candidate Erwin Tulfo para sa Senado. Nagkamit si Tulfo ng 100% awareness at 61.2% voting preference rating sa pinakabagong Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Abril 10-16 na naglagay sa kanya sa rank 1-2. Lamang si Tulfo ng 15.8% sa voting preference rating sa kandidatong sumunod sa kanya. Ani Tulfo, “Nagpapasalamat po ako sa ating mga kababayan sa patuloy nilang pagsuporta sa akin lalo…
Read MoreSEN. VILLAR NAKISIMPATYA SA PAGPANAW NG SANTO PAPA
SUMULAT si Sen. Cynthia Villar sa Book of Condolence bilang parangal sa Kanyang Holiness Pope Francis nitong Lunes, Abril 28, sa Apostolic Nunciature, Taft Avenue sa Manila. Siya ay tinanggap ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown. Nitong Sabado, April 26, inihimlay na sa kanyang huling hantungan ang lider ng Simbahang Katolika na si Santo Papa Francisco sa Saint Mary Major Basilica. Pribado at simple ang isinagawang seremonya gaya ng kanyang kahilingan. (Danny Bacolod) 73
Read MoreCOCO MARTIN, LITO LAPID UMIKOT SA QC
MULING nagkasama sina Supremo Senador Lito Lapid at Actor/Director Coco Martin sa isinagawang motorcade sa ilang palengke sa Quezon City nitong Linggo, April 27. Nagsama rin sina Lapid at Martin sa motorcade sa Cavite matapos mapatay ang karakter ni Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo, isang araw bago ang campaign period. Mainit naman ang pagsalubong ng mga residente sa lungsod sa pag-iikot ng dalawang action superstars ng Batang Quiapo. “Nakakataba ng puso ang mainit na pagsalubong at pagyakap sa akin ng mga kababayan natin dito sa Quezon City. Ang pagmamahal at…
Read MoreMGA WARAY NAG-ALAY NG MISA SA LIBING NI POPE FRANCIS
HINDI man nakadalo sa libing ni Pope Francis sa Rome, Italy noong Sabado, nag-alay na lamang ng dasal at misa ang mga Waraynon sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez. Idinaos ang misa sa tarmac ng New Daniel Z. Romualdez Airport, ang kaparehong lugar kung saan nagdaos ng misa si Pope Francis noong 2015 ilang araw matapos hagupitin ng Bagyong Yolanda ang lalawigan na kumitil ng maraming buhay at nagdulot ng milyon-milyong pinsala. Ayon kay Speaker Romualdez nang matapos ang misa, “ang pagbisita ng Santo Papa noon ay nagbigay hindi lamang…
Read More