NADAKIP ang tatlong lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na lugar sa Angono, Rizal.
Sa unang operasyon, nahuli ang 23-anyos na si Froilan Masamoc y Yu at nakumpiskahan ng dalawang sachet ng shabu sa Saint Anthony St., Brgy. Mahabang Parang.
Arestado rin ang mga suspek na sina Joshua Espinosa y Lamutay at Christopher Dines y Zannaga, kapwa nasa hustong gulang, sa ML Quezon St., Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal, at nakumpiskahan ng limang sachet ng shabu. (KNOTS ALFORTE)
172
