GOV’T AGENCIES SANIB-PWERSA KONTRA DROGA

SA kauna-unahang pagkakataon ay magkakasamang nagsasagawa ang Dangerous Drugs Board (DDB) at ang Philippine Judicial Academy (PHILJA), sa ilalim Department of Justice (DOJ), ng ‘Seminar Workshop on the Dangerous Drugs Law for Judges, Prosecutors and Law Enforcers.’

Layunin ng annual seminar workshop na i-update ang mga kasapi sa drug classifications, sa ilalim ng Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) kaugnay sa mga batas at DDB board regulations, kilalanin at solusyunan ang mga problema at mga isyu na kadalasan nararanasan sa panahon ng proseso, paghawak at prosekusyon na may kinalaman sa mga kaso ng ilegal na droga.

Kabilang sa nakiisa sa nasabing virtual training si Justice Adolfo Azcuna, chancellor ng Philippine Judicial Academy, na nagbigay ng welcome message.

Nagbigay naman ng opening message si Secretary Catalino Cuy, chairman ng DDB, na sinabing “even though the number of drug users has decreased over the years, we shouldn’t be complacent and we should continue to intensify anti-drug campaigns and initiatives”.

Idinagdag ni Cuy, umaasa siyang ang nasabing seminar ay makatutulong sa pagpapabuti sa resolusyon ng mga kaso upang maiwasan na ma-dismiss ito dahil lamang sa hindi pag-iingat, pagtugon sa mga isyu na may kaugnayan sa case management, at pagpapabilis ng plea bargaining cases.

Ang ‘speakers’ ay eksperto mula sa mga ahensiya na tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Office of the Solicitor General, National Bureau of Investigation (NBI) at Dangerous Drugs Board (DDB).

Ang programa na tatakbo mula Disyembre 4 hanggang 6, 2020, ay dadaluhan ng mga kalahok mula sa Department of Justice, Office of the Solicitor General, at Public Attorney’s Office, gayundin ng mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, Bureau of Customs, National Police Commission, at Parole and Probation Administration. (JOEL O. AMONGO)

164

Related posts

Leave a Comment