MURANG KURYENTE ACT PASADO SA HULING PAGBASA

KURYENTE-2

(Ni NOEL ABUEL)

PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magpapababa sa singil ng kuryente sa mga maliliit na pamilya sa bansa.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, may-akda ng Senate Bill No. 1950 o ang Murang Kuryente Act, pumayag na ang mga mambabatas na payagang gamitin ang P207B Malampaya Fund upang bayaran ang stranded contract costs at pagkakautang ng National Power Corporation (Napocor).

“The approval of Murang Kuryente Act in the Senate is a victory for power consumers, who have long been made to share the burden of paying Napocor’s debts through the universal charge for stranded debts and stranded contract costs incorporated in the monthly electricity bill,” sabi ni Gatchalian.

Aniya, sa matagal na panahon na nag-o-operate ang Malampaya Natural Gas Project sa West Philippine Sea ay ngayon lang mapakikinabangan ng taumbayan.

“It is high time for the Filipino people to receive tangible benefits from the Malampaya Fund. With the approval of this measure, the government share realized from the Malampaya Natural Gas Project will end up lowering retail power rates for millions of consumers across the country,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa nito na ang Murang Kuryente Act, ay naglalayong gamitin ang Malampaya Fund kung saan ang kinita nito ay napupunta sa pamahalaan at ginagamit na pampabayad utang.

Sinabi pa ni Gatchalian na hanggang sa kasalukuyan, ang ₱207-billion fund, na unang inilaan para sa exploration, development, at exploitation ng energy resources ay hindi pa nagagamit simula pa noong 2001.

Dahil dito, awtomatikong mababawasan ang singil sa kuryente na malaking tipid para sa maliliit na pamilya.

Inihalimbawa pa nito ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan ay makakatipid ng ₱169.48 kada buwan o ₱2,033.76 kada taon.

133

Related posts

Leave a Comment