SUPER POWER, ‘DI SAGOT SA PROBLEMA SA TRAPIK

Kahit bigyan pa ng super power ang mga ahensya ng gobyerno na nag-iimplementa ng mga batas sa trapiko sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao, ay hindi mareresolba ang problemang ito sa mga lansangan hangga’t hindi inuuna ang katiwalian sa kanilang hanay.

Ginawa ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang pahayag matapos isalang na sa deliberasyon ang House Bill 6425 o Traffic Crisis Act of 2017 sa pangunguna ni House committee on Transportation chairman Cesar Sarmiento ng Catanduanes.

Kabilang sa mga kapangyarihang ibibigay sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pa, ay buksan ang mga pribadong subdivision para lumuwag ang mga lansangan.

“How will giving authorities more powers help solve the traffic mess in Metro Manila, Metro Cebu and Davao, when the root causes of our traffic problem — corruption, mismanagement and incompetence are not being addressed until now?,” ani Atienza.

Ihinalimbawa ni Atienza ang panukala sa isang medesina na ginagamot lang ang sintomas ng sakit subalit hindi ginagamot ang sakit kaya tutol umano ito sa nasabing panukala.

“We do not need more laws and powers. All the laws are already in place, but government is not enforcing the law.  What we need is stricter and honest-to-goodness enforcement of existing laws covering traffic management, as well as punishing erring traffic officials especially enforcers on the streets,” ayon pa sa mambabatas.

Sa kanilang debate, sinabi ni Sarmiento na isa sa mga dahilan kung bakit naresolba ng Singapore ang problema sa trapiko sa kanilang bansa ay dahil makapangyarihan ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas trapiko.

Subalit ayon kay Atienza, isa sa mga nagpatino sa trapiko sa Singapore ay ikulong ng kanilang gobyerno ang mga tiwaling traffic enforces at hindi dahil sa mga dagdag na ngipin sa kanilang batas.

“Dito sa atin, marami tayong batas trapiko at mga ordinansa, subalit mismong ang mga traffic enforcers na dapat nagpapatupad nito ang siyang nauunang lumabag.  Kagaya sa Buendia kanto ng Taft Avenue at sa maraming lugar sa EDSA kung saan pinapayagan nila ang mga illegal terminals ng mga bus at jeepney. May weekly collection sa mga operators at drivers kaya nandiyan pa rin sila. Pag binigyan mo ng higit na kapangyarihan ang mga ‘yan, lalaki ang lagay, hindi  magbabago ang sitwasyon,” paliwanag pa ni Atienza.

116

Related posts

Leave a Comment