LIMITADONG ARMAS, BODYGUARDS SA ELEKSIYON

arms9

(NI LILIBETH JULIAN)

LIMITADO lamang ang mga bodyguards at armas ng mga kandidato sa 2019 midterm elections.

Ito ang paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato sa talumpati nito sa dinaluhang okasyon sa Legazpi City, Albay.

Mahigpit na ipinaalala ng Pangulo na sinumang pulitiko ay sakop ng Alunan Doctrine na naglilimita sa bilang ng bodyguard at baril ng kandidato saan nakapaloob rito na bawal din gumamit ng long firearms ang mga ito.

Ang doktrina na binanggit ng Pangulo ay mula kay dating Interior Sec. Rafael Alunan III na nasa ilalim nito ay ikinukunsidera ang dalawa o higit pang armas bilang private army na dapat buwagin ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na layon din nito na marekober ang loose firearms sa buong bansa sakaling makahuli ng lalabag sa nabanggit na doktrina.

167

Related posts

Leave a Comment