Hindi magpapatupad ng disconnection ang Manila Electric Company (Meralco) hanggang sa katapusan ng Enero 2021 sa kanilang mga customer na hindi nakabayad ng kanilang electric bills.
Ito ang tiniyak ng Meralco sa Kamara na ikinasiya naman ng Kapulungan dahil malaking tulong ito sa mga mamamayan na hindi makabayad ng kanilang electric bills dahil sa pandemya at kalamidad na kanilang naranasan.
“The extended grace period being given to our fellow Filipinos during the holiday season will provide much needed reprieve to those reeling from the devastating effects of the pandemic and natural calamities,” ayon sa liderato ng Kamara.
Sa sulat ni Meralco president Ray Espinosa sa Kamara, imbes na December 30, 2020 ay inurong nila ang kanilang no-disconnection policy sa Enero 31, 2021.
“Careful evaluation and in consideration” of his request, Meralco will extend its no-disconnection policy for non-payment of bills from Dec. 31, 2020 to Jan. 31, 2021,” ani Espinosa.
Ayon kay Espinosa, 3 milyon customers ang makikinabang dito lalo na ang mga nakakakunsumo ng 200 kilowatt per hour pababa sa kanilang December 2020 billings.
Katumbas ito ng 47% sa customers ng Meralco na hindi kakabakaba na mawawalan ang mga ito ng kuryente pagpasok ng bagong taon dahil hindi pa sila nakakabayad ng kanilang electric bills.
“We appreciate that Meralco had extended the same courtesy during the height of the nationwide lockdown and we expect that the company will be as considerate this yuletide season,” ayon naman sa liderato ng Kamara.
Mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa ay hindi nagpatupad ng disconnection ang Meralco dahil marami sa kanilang mga customer ang nawalan ng hanapbuhay matapos magsara ang mga negosyo. (BERNARD TAGUINOD)
167