DRIVERS NABULAGA SA BALIK-TRUCK BAN SA VALENZUELA

NABULAGA ang 162 drivers sa unang apat na oras ng pagbabalik ng truck ban sa Valenzuela City.

Ayon sa pamahalaang lungsod, hanggang alas-10:30 ng umaga noong Disyembre 18 ay 40 ang nahuli sa Gov. I. Santiago.

Sa Lawang Bato naman ay 35 ang dinakma habang 28 ang nasakote sa MacArthur Highway.

Sa Paso de Blas Road ay 17 pasaway ang hinuli; Sto. Rosario, Ugong, 16; M.H. del Pilar, 14; La Mesa, Ugong, 9, at sa Que Grande, Ugong, 3.

Simula Disyembre 18, sa ilalim ang Ordinance No. 113 base sa Executive Order No. 2020-337, ipinagbabawal dumaan ang mga truck mula alas-6 am hanggang 10 am at 5 pm hanggang 10 pm maliban kung Linggo at holiday sa kahabaan ng MacArthur Highway simula Tullahan Bridge hanggang sa boundary ng Valenzuela at Meycauayan.

Bawal din ang mga truck sa M.H. del Pilar simula sa boundary ng Santolan, Malabon at Arkong Bato hanggang Malanday corner MacArthur Highway; kahabaan ng Gov. Santiago simula Tatawid Bridge corner hanggang MacArthur Highway; T. Santiagao cor. MacArthur Highway, Maysan Road, Paso de Blas, at simula Paso de Blas (L. San Diego) hanggang T. Santiago, Canumay.

Hindi rin pinahihintulutan ang mga truck sa Gen. Luis boundary ng Caloocan at Valenzuela hanggang NLEX; Maysan Rd. Simula NLEX hanggang MacArthur Highway/T. Santiago, MacArthur Highway, T. Santiago, Veinte Reales, Lingunan; Gen. T. De Leon, Karuhatan Road simula cor. MacArthur Highway hanggang sa boundary ng Santa Quiteria, Caloocan City, at East Service Road simula Lawang Bato hanggang Paso de Blas.

Huhulihin din ang mga truck na daraaan sa Que Grande simula Kabatuhan hanggang Ugong Sulok; simula East Service Road G. Angeles/Sto. Rosario; A. Mariano (simula Gen. Luis) Benito Hao hanggang Sto. Rosario; simula Tatalon Ugong hanggang Sitio Gitna; simula Sapang Bakaw (Lawang Bato) Centro/Kabesang Purong (Punturin) P. Faustino/Bignay/Hulo Ibaba/Galas boundary ng Llano, Caloocan City; simula Gen. Luis (AKC)/P. Jacinto/Malinis Road/Centro, at simula Galas Bignay exit hanggang Bagumbong, Caloocan sa ipinagbabawal na oras at araw. (ALAIN AJERO)

435

Related posts

Leave a Comment