PWEDENG kumpiskahin ng gobyerno ang performance bond ng Dito Telecommunity at bawiin ang frequency na itinalaga sa kanila kapag hindi nito naideliber ang commitments nito sa nasabing industriya.
Ito ang babala ni Makati Rep. Luis Campos Jr. sa Dito Telecommunity na inaasahang magsisimula sa kanilang commercial operations ngayong Marso 2021 at makuha ang 30% market sa mobile Internet services sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
“Dito has pledged to deliver Internet services with a speed of 27 Mbps and provide network coverage to 37 percent of the population on its first year of operation. By the fifth year, Dito is expected to supply an Internet speed of 55 Mbps and cover 84 percent of the population,” ani Campos.
Gayunpaman, kapag hindi aniya ito nagawa ng nasabing kumpanya “..the government may seize Dito’s P25.7 billion performance bond and recall its assigned frequencies should the company fail to honor its commitments”.
Dahil dito, hinamon ng mambabatas ang nasabing kumpanya na ang 40% ay pag-aari ng China Telecommunication Corp. na pagbutihin ang kanilang operasyon upang hindi sila mawala sa industriya.
Kailangang umabot aniya sa 30% ang makuha nilang merkado at maayos ang kanilang serbisyo bilang third player sa telecom industry sa bansa. (BERNARD TAGUINOD)
