Sa pista ng Itim na Nazareno 20K PULIS IKAKALAT SA QUIAPO

INIHAYAG ni National Capital Region Police Office chief, P/BGen. Vicente Danao, Jr., handa na ang buong puwersa ng NCRPO sa pista ng Black Nazarene/Traslacion 2021 sa Enero 9 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa kay Danao, noong Enero 5, 2021, kasama ng Manila’s Finest top cop na si P/BGen. Leo Francisco, ay nagsawa sila ng inspeksyon sa mga area, kasama ang apat na simbahan na kinabibilangan ng Sta. Cruz Church, San Sebastian Church, Nazarene Catholic Church at Quiapo Church kung saan may magaganap na misa sa nasabing araw.

Aniya, ipinakalat niya na sa mga lugar noong pang Disyembre 22, 2020 ang mga tropa mula sa Special Action Force (SAF).

Nagtalaga na rin aniya ang Manila Police District (MPD) ng anim na libo hanggang pitong libong pulis sa nasabing mga area.

Kaya’t mahigit kumulang sa 20 libong pulis ang magbabantay sa araw mismo ng pista ng Itim na Nazareno.

Kabilang din sa itinalagang mga pulis ay mula sa NCRPO, Regional Headquarters at Regional Mobile Force Battalion.

Binigyaang-linaw rin ni Danao na magpapatupad ng paghihigpit sa Traslacion 2021 at walang papayagang mga vendor sa bisinidad ng Quiapo Church at hindi rin papayagan ang mga magsisimba na gumamit ng backpacks, maging ang colored canisters.

Ang papayagan lamang ay ang transparent plastic bags at transparent water containers o bottled water.

Layunin ng pagbabawal ng mga awtoridad na maiwasan ang pangyayaring hindi kanais-nais sa araw ng pista ng Itim na Nazareno.

Kaugnay nito, sinabi ni Danao, ang traslacion ngayong taon ay “big challenge” dahil sa ipatutupad na minimum health standard.

“Unlike before, kahit magdikit-dikit ang mga tao, ngayon may problema tayo about sa COVID, lalo na ngayon, we have the latest strain of virus which is according to the World Health Organization (WHO) is stronger than the original one, so ‘yun ang dapat nating bantayan.”

“Since the health standard protocols have been implemented for almost a year, I solicit the cooperation of the church goers to implement self-imposed discipline like wearing face mask, face shield and observance of social distancing at all times,” pagtatapos ni Danao. (JOEL O. AMONGO)

159

Related posts

Leave a Comment