LEGALIDAD NG ML SA MINDANAO BITIN PA RIN

martial law

(NI TERESA TAVARES)

BIGO ang Supreme Court (SC) na desisyunan ang apat na petisyon na humahamon sa legalidad ng martial law extension sa Mindanao.

Ayon sa source sa SC, hindi na natapos ng mga mahistrado ang deliberasyon sa naturang usapin sa isinagawang en banc session kahapon (Feb 12).

Nagkasundo ang mga mahistrado na isalang muli sa deliberasyon ang kaso sa susunod na sesyon sa Feb 19.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na nais palawigin ng pamahalaan ang martial law hanggang December 2019.

Ang martial law sa Mindanao ay unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 23, 2017 nang maganap ang pagsalakay ng mga teroristang gruoo sa pangunguna ng Maute Group sa Marawi City.

Kabilang sa mga kumuwestyon sa legalidad ng martial law extension ang mga opposition congressmen na tinaguriang ‘Magnificent 7,’ ang grupo ni dating Comelec chair Christian Monsod at ang Makabayan bloc sa Kamara.

180

Related posts

Leave a Comment