BYAHENG MANILA-ANTIPOLO 30-MINUTO NA LANG SA 2020

lrt500

(NI KEVIN COLLANTES)

MASAYANG ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) na malapit nang umigsi sa 30-minuto ang biyahe mula Maynila hanggang Antipolo City.

Ito’y dahil malapit nang matapos ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) Masinag Extension project.

Ayon sa DOTr, sa ngayon ay 57 porsiyento nang tapos ang proyekto, habang fully finished na ang viaduct nito.

Target umano ng DOTr na tuluyan nang matapos ang proyekto sa taong 2020.

Nabatid na ang naturang proyekto ay ekstensiyon ng LRT-2 na nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan sa Pasig City.

May haba itong apat na kilometro at naglalayong i-extend ang naturang linya ng tren mula Santolan hanggang sa Masinag, sa Antipolo.

Sa ilalim ng nabanggit na extension project, daragdagan rin ng dalawa pang istasyon ang LRT-2, kabilang ang Emerald at Masinag Stations.

“In the east, the LRT-2 Masinag Extension Project is over halfway complete at 57%, with the viaduct fully finished,” anang DOTr.

“The extension seeks to reduce travel time from Manila to Antipolo to just 30 minutes.  The extension project will be completed in 2020,” anang DOTr.

130

Related posts

Leave a Comment