ILANG SENATORIAL BETS MAKAKASUHAN NG COMELEC

COMELEC-5

(NI HARVEY PEREZ)

INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na napipintong makasuhan ng paglabag sa Fair Elections Act, ang ilang senatorial candidates, na nadiskubreng may mga nakapaskil pang illegal campaign posters.

Gayunman, hindi ito pinangalanan ni Guanzon pero sila ay pinadalhan na ng written notice ng Comelec.

Sinabi ni Guanzon na ang mga naturang senate bets, ay kinabibilangan ng dalawang incumbent senators.

Nabatid na ilang beses na silang pinagsabihan pero hindi naman nila pinatanggal sa kanilang mga supporters.

Ayon kay Guanzon hindi tatanggapin ng Comelec ang katwiran ng kandidato na hindi sila ang naglagay nun, dahil ito ay kanilang pinakinabangan kaya ituturing na sa kanila ito.

“Kasi paulit-ulit naman sinasabi na namin take down your illegal posters. So ngayon may notice na sila in writing sa mga elections officers… Mga 34 ang nahuli ng election officers na kandidato na may illegal posters,” ayon kay Guanzon.

“Dati kasi sinusulatan naman hindi lang namin mini-media… Itong mga three days notice na rule, pag di nila tinanggal ‘yan, i-presume namin sa Comelec na kanila ‘yan. Hindi pupuwedeng i-deny ‘yan,” dagdag pa ni Guanzon.

Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nagbigay sila ng grace period na hanggang Pebrero 14 para sa mga kandidato para tanggalin ang kanilang mga illegal campaign materials na lampas sa takdang sukat at wala sa deklaradong common poster areas.

Ngayon araw ( Pebero 15,) ay sisimulan na ng Comelec ang pag-iikot para i- dokumento ang mga illegal posters, saka babaklasin ang mga ito.

Ayon kay  Jimenez, may katapat na election offense ang pagkabigo ng mga kandidato na baklasin ang kanilang illegal campaign materials, sila man ang nagkabit ng mga ito o hindi.

Alinsunod sa calendar of activities ng Comelec para sa May 13 National and Local Elections (NLE), maaari nang mangampanya ang mga kandidato sa senatorial at party-list race noong Pebrero 12 habang aarangkada naman ang panahon ng kampanyahan para sa local elections sa Marso 29 hanggang Mayo 11

143

Related posts

Leave a Comment