AKYAT-BAHAY NALAMBAT SA TONDO

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 47-anyos na tambay sa isinagawang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Ruben Corpuz y Camalis, ng #1763 Antonio Rivera St., Tondo.

Batay sa ulat ni P/Major Rommel Anicete, hepe ng MPD-General Assignment Investigation Section, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang isilbi ang arrest warrant, na inisyu ni Hon. Sergio Mabunay ng Manila Regional Trial Court Branch 24, sa suspek sa bahay nito sa nasabing lugar.

Si Corpuz ay may standing warrant of arrest dahil sa kasong robbery in an inhabited, na may petsang Nobyembre 28, 1995. (RENE CRISOSTOMO)

 

128

Related posts

Leave a Comment