TIMBOG ang apat na umano’y drug pusher sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City noong Biyernes.
Ayon sa ulat, alas-10:10 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa #108 Dulong Tangke, Malinta kung saan nasakote si David Flores, 21, at nakumpiskahan ng tatlong gramo ng shabu na P20,400 ang halaga, P500 buy-bust money at P100 bill.
Alas-5:30 naman ng hapon nang dambahin si Elesio Francisco, 35, sa operasyon sa bahay nito sa Bakawan, Dulong Tangke, Malinta, at nakumpiska ang anim na gramo ng shabu na P40,800 ang halaga, P500 buy-bust money, P500 cash, cellphone at coin purse.
Habang alas-9:00 ng gabi nang matimbog si Julleta Francisco, 51, sa operasyon sa bahay nito sa #1162 sa Que Grande St., Ugong at nakumpiskahan ng tatlong gramo ng shabu na may standard drug price na P20,400, P500 buy-bust money, P150 cash at cellphone.
Nalambat naman si Juan Carlos Custuna, 27, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang undercover cop sa Gen. T. De Leon Road dakong alas-12:45 ng madaling araw at nasamsam ang tatlong gramo ng shabu na P20,400 ang halaga, tatlong gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na P360 ang halaga, buy-bust money, P280 cash, cellphone at pouch. (ALAIN AJERO)
208 