(PHOTO BY JOJIT ALCANTARA)
NAG-ABISO na ang ang ilang kompanya ng langis hinggil sa panibagong taas-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo sa papasok na bagong linggo.
Una ng naglabas ng advisory ang Unioil Philippines kung saan posible umanong maglaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang itaas ng presyo kada litro ng diesel habang P0.40 hanggang P0.50 ang posibleng price hike kada litro sa gasolina.
Batay sa ulat, malaki ang naging epekto ng anunsyo ng Saudi Arabia na tapyasan muli ang kanilang produksyon bilang top oil exporter.
Ito ay kung saan nagsara sa $65-per barrel ang presyo ng Brent crude sa pagtatapos ng lingguhang palitan.
Nakaapekto rin umano ang sanction ng Amerika sa Venezuela at Iran kaya patuloy ang pagsipa ng oil price.
334