AABOT ng mahigit sa isang daang milyong piso (P150-M) ang iba’t ibang mga pekeng kalakal na nasabat ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Manila International Container Port’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) sa tulong din ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Binondo, Maynila.
Armado ng isang Letter of Authority (LOA) na pirmado ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, isinagawa ng composite team na binubuo ng MICP, CIIS, ESS at PCA na magsagawa ng operasyon at inspeksyon sa isang storage facility.
Sa nasabing isinagawang inspeksyon, tumambad ang iba’t ibang uri ng mga kalakal tulad ng cosmetic/beauty products, unregistered aidelai face masks, heng de face shields, IPR infringing clothing, toys, cellphone cases at maraming iba pa.
Ang nasabat na mga kalakal ay may tinatayang halagang hanggang Php 150 Million.
Agad na isinailalim sa inventory at imbestigasyon ang iba’t ibang mga kalakal upang malaman ang halaga at agad na ihanda ang kaso para sa paglabag sa Section 1400 of RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization Act (CMTA).
Kaugnay nito, muling inulit ng Bureau ang kahalagahan ng pagtitiyak ng “authenticity of items” lalo na para sa items na tulad ng face masks at iba pang Personal Protective Equipment (PPE).
Bilang simula ng pagbubukas ng ekonomiya matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), ang MICP ay mananatili sa pangunguna ng border security at anti-smuggling sa ilalim ng patnubay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. (Joel O. Amongo)
