(NI LIILBETH JULIAN)
PUMALAG ang Malacanang sa report ng rapporteur hinggil sa sitwasyon ng karapatan-pantao ng ilang personalidad sa bansa.
Inihalimbawa sa report sina Senator Leila de Lima, dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Rappler CEO Maria Ressa.
Iginiit ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang basehan ang report ng special rapporteur dahil pawang pekeng impormasyon ang ibinigay ng mga partisan group dito para makakuha ng simpatiya na layong mabanatan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasaad sa report ng special rapateur na ang pagpapakulong kay de Lima, pag impeach kay Sereno at pagsasampa ng kaso pagpapaaresto kay Ressa ay taktika administrasyong Duterte para patahimikin ang mga ito.
Dito, depensa ni Panelo, ang mga kinaharap ng tatlong personalidad ay resulta kanilang mga ginawang pagkilos at sariling aksyon na nangyari bago pa man maupo sa panunungkulan si Duterte.
121