ORDINANSA LABAN SA PAGBEBENTA NG COVID VACCINES PINALALATAG SA LGUs

KAILANGANG gumawa ng ordinansa ang Local Government Units (LGUs) na magbibigay ng kaukulang kaparusahan sa mga indibidwal na magbebenta ng COVID-19 vaccines o vaccination slots.

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay sa gitna ng ulat ng sinasabing money-making scheme.

“Dapat magpasa ng lokal na ordinansa ang LGUs rito para sa malinaw na basehan ng parusa,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

“Libre po ang lahat ng bakuna dahil lahat po ng bakuna ay hindi approved for commercial use. This selling is swindling, if not a violation of FDA law,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque na ang tinutukoy ay ang Food and Drug Administration (FDA).

Sa ulat, ang vaccine slots diumano sa ilang LGUs ay binebenta sa halagang P15,000 bawat isa.

Sa kabilang dako, nagpasa na ang Manila City government sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno ng ordinansa na magpaparusa sa mga indibiduwal na nasa likod ng scheme.

“We won’t allow this selling of vaccines because for one, it would jeopardize our commitment with the COVAX Facility which is for equitable vaccine distribution,” ayon pa kay Sec. Roque.

Samantala, binalaan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjur Abalos Jr. ang mga taong sangkot sa umano’y COVID vaccine for sale at COVID-19 slot for sale.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Abalos na tatlong krimen ang puwedeng mangyari at kaharapin ng taong gagawa nito.

“Number one, estafa for fraudulent acts of pretending to possess power or influence o kaya naman iyong tinatawag nating direct bribery or any public officer who shall agree to perform act constituting a crime at hindi lang po itong mga mai-involve na ito, pati po iyong taong kumukuha, ang tawag dito is principal by inducement,” ayon kay Abalos.

Ang makukulong aniya rito ay “ang mga kinukuha nilang taong magbabakuna sa kanila at sila mismo, iyong kumukuha.”
Bukod pa rito ay mahaharap din sa paglabag sa Bayanihan Law ang mahuhuling sangkot sa ilegal na gawain. (CHRISTIAN DALE)

129

Related posts

Leave a Comment