BRGY. HEALTH WORKERS, MAHIHIRAP TAKOT SA BAKUNA

PUMIYOK si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maraming residente sa mahihirap na komunidad ang nag-aalangan pa rin magpabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi na 30% hanggang 40% sa class D at E ang nagmamatigas na hindi magpabakuna kontra COVID-19.

Marami aniya sa mga tinatawag na well-off sa A, B, at C classes ang mayroong mataas na vaccine confidence.

“Doon sa tinatawag nating Group D and E mataas ang hesitancy,” ani Galvez.

Aniya, mahigit 90% health workers sa bansa ang nakatanggap na ng COVID-19 jabs.

Gayunman, labis na nababagabag si Galvez sa “high vaccine hesitancy” sa mga barangay health worker.

Tinukoy ni Galvez ang mababang bilang ng mga nabakunahan sa hanay ng senior citizens, na itinuturing na “most vulnerable” para sa coronavirus disease.

Samantala, binanggit ni Galvez ang data na nagpapakita na 60% ng COVID-19 casualties o namatay ay nasa edad na 60 pataas. (CHRISTIAN DALE)

122

Related posts

Leave a Comment