MATAPOS ANG 26 TAON; 105-DAY MATERNITY LEAVE OK NA

buntis21

(NI BERNARD TAGUINOD)

IKATLO na ang Pilipinas sa 10 miyembro ng Association of Southeast Asean Nation (ASEAN) na may pinamakahabang maternity leave matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 105 days maternity leave law.

Ikinagalak naman ng mga mambabatas sa Kamara na tuluyan nang naging batas ang nasabing panukala matapos ang 26 taon simula nang unang tangkaing isabatas ito upang bigyan ng mahabang panahon ang mga kababaihan na maalagaan ang kanilang bagong silang na anak.

Base sa nakalap na datos, ang Vietnam pa rin sa ASEAN ang may pinakamahabang maternity leave dahil umaabot ito ng 120 hanggang 180 days at pumangalawa ang Singapore na mayroong 112 days.

Pawang tig-90 days ang maternity leave sa Cambodia, Lao PDR, Thailand at Indonesia habang 84 days naman sa Myanmar samantala 63 days sa Brunei at 60 days sa Malaysia na kapareho dati ng Pilipinas.

“After 26 years of labor and birthing pains, women workers have successfully given life to a landmark legislation that upholds the rights, wealth, and health of our country’s workforce,” ani Akbayan party-list Rep.

Sinabi naman ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus produkto aniya ng masigasig na kampanya at loob kasama ang iba’t ibang grupo ang nasabing batas para bigyang pagkilala sa ambag ng mga kababaihan sa ekonomiya.

“This is a significant advance in ensuring women’s right to maternal health and in upholding the security of tenure of pregnant women workers,” ayon pa kay De Jesus.

Ayon naman kay House deputy speaker Pia Cayetano, mahalaga ang batas na ito para mabigyan ng sapat na panahon ang mga nanay na nakapagpahinga at maalagaan ang kanilang mga anak.

“As a working mother, I have experienced the 60-day maternity leave under the previous law. I know that the additional days will be a great help to hardworking Filipino mothers and their newborns,” ani Cayetano.

 

 

 

 

170

Related posts

Leave a Comment