OPISYAL NG GOBYERNO, BUMUBUO NA NG TROLL FARMS PARA SA ELEKSYON

ISANG mataas na opisyal ang nag-oorganize na ng dalawang ‘troll farm’ sa bawat lalawigan bilang paghahanda sa eleksyon sa 2022.

Ito ang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson at tinukoy na isang undersecretary ang nasa likod ng operasyon.

Sinabi ni Lacson na mismong dati niyang staff ang nakausap ng opisyal at inalok ng naturang operasyon.

“Maraming information na dumadating sa amin, maraming trolls na nag-operate para siraan yung mga posibleng mga makakalaban hindi lang limitado sa amin kundi pati sa mga ibang hindi aligned sa administrasyon,” saad ni Lacson.

“Ngayon pa lang meron akong alam na isang high official, sabihin na nating undersecretary na nag-oorganize na sa buong bansa, bawat probinsya hinihingan nila ng quota na mag-organize ng at least two troll [farms] sa isang probinsya,” diin ng senador.

“So you can just imagine if it materializes and using the resources of the government whether or not it is sanctioned by Malacanang—well I hope not and I don’t believe so— maybe overeager lang yung official na ‘yun na magpakitang gilas sa kanyang ginagawa,” dagdag pa nito.

Iginiit ng mambabatas na kailangan nang iangat ang antas ng pulitika sa bansa at alisin na ang money o entertainment politics.

“Dapat ano na yun e matuto na tayo kasi nga tayo rin naman ang nagsa-suffer. It has become a vicious cycle,” din nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

184

Related posts

Leave a Comment