Bigong mapigilan ang mass gatherings 6 BARANGAY CHIEFS KINASUHAN

INIULAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng kaso laban sa anim na barangay officials dahil umano sa kabiguan ng mga itong mapigilan ang tinatawag na “superspreader events ” sa kanilang nasasakupan.

“Sa inyo pong pag-uutos na kasuhan natin ang mga barangay officials, anim po ang nakita natin dito at nakasuhan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ni Año na ang mga nakasuhang opisyal ay sangkot sa iba’t ibang insidente gaya ng sumusunod:

Gubat sa Ciudad incident, Brgy. 171, Caloocan City; Recreational and resort operations sa San Jose, Navotas City; Boxing match sa Brgy. 181 at 182 in Tondo, Manila; Bakas River incident sa Brgy. Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Brgy. Balabag, Boracay Island at Brgy. Sambiray, Malay, Aklan; Club Holic Bar and Restaurant, Brgy. Kamputhaw, Cebu City. (CHRISTIAN DALE)

195

Related posts

Leave a Comment