PULIS ‘BAGMAN’ NI SIR SA BI

NABIBIGYAN ng ‘magandang puwesto’ ang mga tiwalang opisyal sa Philippine National Police (PNP), partikular sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na nakapagbibigay sa mga ‘dapat ­paratingan’ ng lingguhang “tara”, o tuwing “15/30”, mula sa illegal activities/vices.

Isa raw ito sa nais linisin ni General Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP.

Mayroon din kayang ganitong nangyayari sa ibang ahensya ng pamahalaan, lalo’t ilang retiradong opisyal ng PNP ang nabigyan ng magandang puwesto sa pamahalaan?

Kahit miyembro ng PNP ay puwedeng italaga rin sa ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng BI.

Nabisto ng Bistador na ang aktibong miyembro ng PNP na si alyas “GC” ang ‘nagpapatakbo’ ng BI hanggang ngayon.

At nalaman din ng Bistador na itong si GC ay siya mismo ang “bagman” ng isang ­opisyal sa BI.

Nanggagaling ang tarang tinatanggap ni GC mula sa mga korap na opisyal sa BI ­tulad ni alyas “Macho ­Chiquito”.

Nagpaparating ng tara si Macho Chiquito upang hindi mapatigil ang kanyang ilegal na raket.

Dahil dito, yumayaman ang korap na si Macho ­Chiquito habang nasa puwesto.

Natural, kumikita rin ng salapi ang mas mataas na opisyal na namamantikaan ni Macho Chiquito.

Ang tara, o goodwill ­money, ay nagmula raw sa kinikita niya mula sa ilang ­miyembro ng ‘sindikato’ ng human ­trafficking sa bansa.

Si alyas “Charlie” at ang “Huayi” ang mga handler ng illegal Chinese workers.

Pasok si alyas Charlie at ang Huayi sa malaking grupong nasa likod ng illegal Chinese workers na ipinapasok sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ganito ang siste: Mula sa pagdating ng mga Chinese sa airport ay kasado na ang kanilang bultu-bultong passports at documents na nakapuwesto sa table ng mga tiwaling ­opisyal ng BI upang mabigyan ng dokumento ang mga Chinese upang maging “legal” ang kanilang pamamalagi sa bansa.

Isa si Macho Chiquito sa hawak ng sindikato.

At mayroon pang mas mataas na opisyal ng BI na nakikinabang kay Macho ­Chiquito, kaya patuloy ang kanyang pagkabig ng ­napakaraming salapi mula sa sindikato.

Kahit kailan, hindi nawala ang Bureau of Immigration (BI) sa listahan ng “most corrupt government agencies” mula pa noon hanggang ngayon.

Ngunit, hindi naman ibig sabihin na lahat ng opisyal at empleyado sa BI ay mapagsamantala at nagpapayaman habang nasa puwesto at kapangyarihan.

Sina Macho Chiquito, GC at mas mataas na opisyal kay Chiquito ang kakaiba.

Sino kaya ang opisyal na ito?

Magkano ang kanyang natatanggap kay Macho ­Chiquito?

Abangan!

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

95

Related posts

Leave a Comment