SOTTO: WALANG TAKE 2 SA PAGIGING PANGULO

IGINIIT ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na dapat mayroong excellent track record at political experience ang isang taong nagnanais mamuno sa bansa.

“Kapag gusto mong maging pangulo o pangalawang pangulo ng bansa, una sa lahat kailangan makita ng mga kababayan natin na mayroon kang excellent track record at kung ano ang maibibigay mong solusyon sa napakaraming problema ng ating bansa. Kailangang handa ka ring mag-submit ng iyong report card sa taumbayan,” diin ni Sotto.

Iginiit ni Sotto na ang pamamahala sa bansa ay hindi learning experience o pinagpapraktisan.

Dapat anya ang tatakbong pangulo o pangalawang pangulo ay mayroon nang mailalatag na malinaw na programa para sa bansa.

“Hindi pwedeng Take 2, na kapag nanalo ka saka ka lang mag-iisip ng gagawin mo. Doon ka pa lang mag-aaral. Dapat ready ka na pagsampa mo. Ito ‘yung mga posisyon sa gobyerno na hindi pinag-aaralan kapag nakaupo ka na,” pahayag pa ni Sotto.

“Hindi mo pwedeng pagpraktisan ang pagka-pangulo at bise-presidente. Ang mali mo ay makakaapekto sa lahat ng Pilipino. Kung baga sa laro walang ‘ulit,’ walang ‘Take 2’ o ‘Take 3.’ Hindi ganyan ang inaasahan ng taumbayan sa kanilang mga lider,” dagdag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

169

Related posts

Leave a Comment