Epektibo bukas 12MN-4AM BAGONG CURFEW HOURS

MAGKAKAROON na ng adjustment sa curfew hours sa Metro Manila simula ngayon, Hunyo 15, 2021.

Sa Laging Handa public briefing ay inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na simula Hunyo 15 ay hindi na alas-10 ng gabi kundi magsisimula na ng alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw ang curfew hours sa Kalakhang Maynila.

Nagpulong aniya ang mga alkalde, Hunyo 13 at napagkasunduan ang adjusted curfew hours.

Ang naging basehan aniya ng adjusted curfew hours ay ang daily attack rate ngayon na 6.7%, ang two week growth rate na -16.5%. Ito aniya ay pigura mula sa DoH habang ang bed occupancy naman ay umaabot na lamang sa 36.3% sa mga ospital.

Layon aniya nito na mabigyang pagkakataon ang mga tao na makakain sa mga restaurant at makapag-mall.

“Pero huwag kayong mag-alala, handa ang MMDA dito. talagang sisitahin iyong mga walang mask at ang importante ay social distancing at magtulungan po tayong lahat dito,” pagtiyak ni Abalos.

Cebu-bound flights

Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung palalawigin o hindi ang kautusan na i-divert ang Cebu-bound international flights sa Ninoy Aquino International Airport.

Gayunman, dahil ang kautusan ay i-divert ang nasabing flights sa NAIA ng hanggang Hunyo 12, sinabi ni Sec. Roque na “in the absence of a new circular” mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ang flights ay maaaring mag-proceed o tumuloy sa Cebu.

“That was until yesterday. Ngayon po, in the absence of any new circular from the executive secretary, I suppose po ay tuloy na po ang flights pa-Cebu,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Ang International flights na bound patungong Cebu ay na-divert sa NAIA mula Mayo 29 hanggang Hunyo 5, at muli mula sa nasabing petsa hanggang Hunyo 12.

Ang nasabing hakbang ay base sa memorandum na ipinalabas ni Medialdea alinsunod sa naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ang Cebu ay may ipinatutupad na quarantine protocols para sa mga magbabalik na Filipino at overseas Filipino workers.

“Cebu subjects returning Filipinos and OFWs to RT-PCR test upon arrival, and allows them to go home when they test negative for COVID-19. Under the IATF-approved quarantine protocols, returning Filipinos and OFWs are subjected to an RT-PCR test on the seventh day of quarantine in a government facility. Once they tested negative, they will finish the remainder of the 14-day quarantine at home,” ayon sa ulat.

“Hindi ko pa alam ang magiging mangyayari sa ating flight protocols kasi naintindihan ko naman na ‘yung arrival protocols sa Cebu po ay dahil sa isang ordinansa.

Hindi po ‘yan mababawi ng isang governor lamang,” ani Sec. Roque.

“At the same time, ‘yung posisyon ko as spokesperson ay dapat ipatupad ang mga polisiya ng IATF,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

“So i think the matter is within the cognizance of the president dahil nagpatawag naman po ng pagpupulong ang presidente. Pinatawag si Governor Gwen Garcia at sabi ng presidente at that time, dapat magbigay ng critique ang DOH [Department of Health] at ayun ang last on the matter. Antayin po natin ang desisyon ng presidente,” aniya.

Samantala, habang sinusulat ito ay hindi pa rin nagpapalabas ang Mactan Cebu International Airport ng guidelines ukol sa nasabing usapin. (CHRISTIAN DALE)

249

Related posts

Leave a Comment