(NI BERNARD TAGUINOD)
MATATAPOS na ang ikalawang buwan ng taon, hindi pa ibinibigay ng gobyerno ang ikaapat at huling tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4 ng mga state workers.
Ginawa ng grupo ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang reklamo dahil sa huling sahod aniya ng mga public school teachers ay hindi pa kasama ang dagdag na sahod sa ilalim ng SSL 4.
“Salaries of public school teachers are released every 21st of the month and they were dismayed to find that their February pay still does not reflect the increase,” ayon sa mambabatas.
Nabatid na P575 lang ang matatanggap na dagdag na sahod ng mga public school teachers ngayong taon sa ilalim ng SSL na unang ipinatupad noong 2016.
Noong Enero 14, 2019 ay nagsampa ng mandamus sa Korte Suprema si House committee on appropriation chairman Rolando Andaya Jr., para pilitin si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na ipatupad ang 4th tranche ng SSL 4.
Gayunman, taning ang mga local government units (LGUs) at Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs) lang ang binigyan ni Diokno ng go-signal para ipatupad ang last tranche ng SSL 4.
Umasa ang grupo ni Tinio na isunod na ang lahat ng government workers lalo na ang mga public school teachers subalit hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ng mga ito ang dagdag sa kanilang sahod.
“Napakaliit na nga lang, huling-huli pa. There seems to be a total lack of urgency among our officials, which just goes to show how out of touch they are with the everyday struggles of ordinary Filipinos,” dagdag pa ng grupo.
Dahil dito, muling nanawagan ang grupo ni Tinio kay Diokno na irelease na ang pondo para sa dagdag na sahod ng lahat ng mga government workers dahil kailangan na kailangan nila aniya ito.
123