NCR PLUS MANANATILI SA GCQ HANGGANG JULY 15

MANANATILI sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region Plus hanggang Hulyo 15.

Sa rekomendasyon ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF), ang Metro Manila at mga lalawigan ng Rizal at Bulacan ay mananatili sa GCQ “with some restrictions” Hulyo 1 hanggang sa Hulyo 15, 2021 habang ang Laguna at Cavite ay isasailalim naman sa GCQ “with heightened restrictions” sa kapareho ring petsa.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay inilahad ni Health Secretary Francisco Duque III na simula, Hulyo 1 naman, ang mga gyms at fitness centers sa NCR, Rizal at Bulacan ay papayagan na tumanggap ng 40 percent ng total capacity nito, habang ang iba namang indoor sports courts ay papayagan ng 50 percent capacity, ayon sa rekomendasyon ng IATF.

Ang mga Museums at historical sites, ay papayagan na tumanggap ng hanggang 40 percent ng total capacity nito, subalit kailangan na manatiling sumusunod sa minimum public health standards.

Ang mga Gyms at fitness centers, indoor sports courts, museums at iba pang historical sites, sa kabilang dako ay hindi naman pinapayagang magbukas sa Laguna at Cavite.

Sinabi pa ng IATF na ang mga sumusunod na lugar na kailangang isailalim naman sa modified enhanced community quarantine mula Hulyo 1 hanggang 15, itinuturing na “second toughest lockdown level”:

Region 2
-Cagayan

Cordillera Administrative Region
-Apayao

Region 3
-Bataan

Region 4-A
-Lucena City

Region 4-B
-Puerto Princesa City

Region 5
-Naga City

Region 6
-Iloilo province
-Iloilo City

Region 7
-Negros Oriental

Region 9
-Zamboanga del Sur
-Zamboanga del Norte

Region 10
-Cagayan de Oro City

Region 11
-Davao City
-Davao Oriental
-Davao Occidental
-Davao de Oro
-Davao del Sur
-Davao del Norte

CARAGA
-Butuan City
-Dinagat Islands
-Surigao del Sur

Samantala, ang mga sumusunod na lugar ay mananatili sa isailalim sa GCQ, itinuturing na “second loosest quarantine level” mula Hulyo 1 hanggang 30.

Cordillera Administrative Region
-Baguio City
-Ifugao

Región 2
-City of Santiago
-Isabela
-Nueva Vizcaya
-Quirino

Region 4-A
-Batangas
-Quezon

Region 6
-Guimaras
-Aklan
-Bacolod City
-Negros Occidental
-Antique
-Capiz

Region 9
-Zamboanga Sibugay
-City of Zamboanga

Region 10
-Iligan City

Region 12
-General Santos City
-Sultan Kudarat
-Sarangani
-Cotabato
-South Cotabato

CARAGA
-Agusan del Norte
-Surigao del Norte
-Agusan del Sur

BARMM
-Cotabato City

Ang natitirang bahagi ng bansa ay isasailalim naman sa ” least stringent quarantine level,” o modified GCQ sa buong buwan ng Hulyo. (CHRISTIAN DALE)

232

Related posts

Leave a Comment