326 CONTAINERS, MATAGAL NANG NAKATENGGA SA BOC-DAVAO

Ni JOEL O. AMONGO

INAMIN ng pamunuan ng Bureau of Customs-Port of Davao (BOC-Davao) na 326 pa ang mga container na hawak nito hanggang kasalukuyan.

Idiniin pa ng pamunuan, sa pangunguna ni BOC-Davao District Collector Erastus Sandino Austria, na “overstaying” na ang 326 containers.

Upang malaman ang kondisyon ng mga produktong nakalagay sa mga container, nagsagawa ng inventory ang BOC-Davao noong Hulyo 17 at 18.

Layunin nito na pagandahin ang yard utilization at tiyaking gagalaw ang mga kalakal kahit mayroon pang pandemya ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Pinangunahan ni Austria ang inventory kung saan kasama ang mga miyembro ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD).

Kabilang dito ang 102 containers mula sa Davao International Container Terminal (DICT), 83 sa Sasa Wharf, 18 mula sa TEFASCO at 123 sa AJMR Wharf.

Plano ng pamunuan ng Port of Davao na madaliin ang pagdiskarga ng mga nabanggit na kalakal, sa pamamagitan ng kondemnasyon, donasyon at subasta.

Sa ganitong paraan, mababawasan ang bilang ng overstaying containers.

Kaugnay nito, patuloy ang BOC-Davao sa implementasyon ng mga hakbang tungo sa mabilis na pagpapalabas ng lahat ng overstating containers para hindi makaabala sa galaw ng mga kalakal sa Mindanao habang patuloy pang nananalasa ang COVID-19.

136

Related posts

Leave a Comment