(NI CHRISTIAN DALE)
BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ‘credit grabber’ na politiko sa bawat proyektong ginawaga ng gobyerno.
Sinabi ng Chief Executive hindi dapat i-claim ng kahit sinong kandidato na sila ang dahilan ng pagkakatayo ng mga proyekto ng pamahalaan kung saan pondo naman ng taumbayan ang ginagamit dito.
Ang dapat aniyang pasalamatan ay ang mga taong nasa likod ng pag-gawa ng proyekto, tulad ng mga builders, contractors, at mga government partners na tumulong para maisakatupan ang isang proyekto.
Walang sinuman ang dapat umangkin sa mga government projects dahil ito ay ginawa para sa mga Pilipino at pera nila ang itinutustos para dito.
Matatandaaang, pinangunahan ng Pangulo ang pagpapasinaya sa 9-billion peso NLEX Harbor Link Segment 10, isang six-lane elevated expressway na may habang 6 kilometers.
Inaasahang makatutulong ito para maibsan ang trapik sa Metro Manila partikular na sa EDSA dahil ito ay magkokonekta sa McArthur Highway patungong C-3 Road sa Caloocan na tatagos naman sa Valenzuela at Malabon.
209