WANTED RAPIST INARESTO NG PNP-PRO5 SA NBI JAIL

“WE are not men in uniforms just to be outsmarted,” ani PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na dakpin ng kanyang mga tauhan ang isang pugante sa kasong statutory rape.

Ito ay makaraang matunton ang suspek na si Rolly Selos Olaybal alyas “Raul” ng Sitio Libis, San Ysidro, Brgy. San Joseph, Antipolo City, na kasalukuyang hawak ng National Bureau of Investigation dahil naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o anti-gambling law.

Nang iparating ng Albay Police Provincial Office base sa datos ng Oas Municipal Police Office, sa NBI na pakay ng kanilang manhunt operation ang suspek dahil sa kasong rape, ay tiniyak na NBI na ibibigay nila ang suspek matapos ang kinakaharap nitong kaso sa kanila.

Si Olaybal ay itinuturing na top 10 most wanted person sa bayan ng Oas kaugnay sa umano’y panggagahasa sa isang menor de edad na kinilalang si alyas Faith, hanggang sa matunton sa NBI Central Office sa Maynila nitong nakalipas na linggo.

Kasunod ng isinagawang intelligence gathering ay nagtungo ang mga tauhan ng PRO5 Albay, OAS MPS team, sa pamumuno ni P/Col. Arnold Santiago, Albay PD, kasama ang mga ahente ng NBI, Manila, Environmental Crime Division, Albay PIT RIU5, Albay PPO PIU at 1st APMFC, para kunin ang akusado.

Limang taong nagtago ang suspek bago naisilbi sa kanya ang warrant of arrest sa kasong rape na inilabas ni Judge Annielyn Medes-Cabilles, RTC Branch 12, 5th Judicial Region, Ligao City.

“Our campaign against on the loose criminals resonates beyond Region 5. As exemplified by this case, no area is far enough not to get caught up by PNP PRO 5. Our records will speak for itself that we walk our talk,” pahayag ni P/BGen. Estomo. (JESSE KABEL)

115

Related posts

Leave a Comment