BABAENG TULAK DUMARAMI SA CAVITE

CAVITE – Tila dumarami ang bilang ng mga babae na lumilinya na rin sa pagtutulak ng ilegal na droga, patunay rito ang walo na kabilang sa 20 kataong nadakip ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-2:45 noong Sabado ng hapon hanggang alas-11:50 noong Sabado ng gabi sa apat na lungsod at tatlong bayan sa Lalawigan ng Cavite.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming tulak na naaresto ang ang Bacoor City at bayan ng Tanza na tig-anim; sumunod ang Dasmariñas City, 3; dalawa sa Gen. Mariano Alvarez (GMA) at tig-isa sa Trece Martires City, Gen. Trias City at Kawit. (SIGFRED ADSUARA)

148

Related posts

Leave a Comment