75% TARGET POPULATION SA NCR BAKUNADO NA

TINATAYANG pumalo na sa 75.54% ang target population ng National Capital Region na fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Abalos na inaasahan na nilang tataas ang porsiyento ng 84% matapos ang isang buwan kapag ang first dose recipients ay naka-iskedyul na ng kanilang second dose.

“Ngayon, 75.54% na tayo. In one month, ang projection namin, aabot siguro tayo ng mga 84% dahil iyong mga naka-first dose ay magse-second dose,” anito.

Sinabi pa ni Abalos na sa Disyembre 2, ang porsiyento ng vaccinated sa hanay ng target population ay tataas ng 92%.

Ang mga alkalde sa NCR ay naghahanda naman para sa pagbabakuna sa mga menor de edad na mayroong comorbidities.

Ani Abalos, ang COVID-19 growth rate sa NCR ay dahan-dahang bumaba sa -31 “as of Saturday.”

Ang reproduction rate sa rehiyon ay bumaba mula sa 1.9 at ngayon ay 0.83.

Ang reproduction number ay indikasyon ng average number ng mga tao na nahawa ng COVID-19 mula sa infected na tao. (CHRISTIAN DALE)

130

Related posts

Leave a Comment