FIL-AM, NEWEST GILAS PLAYER

Ni ANN ENCARNACION

ISANG Filipino-American sa katauhan ni Travis Roberts ang pinakabagong adisyon sa Gilas Pilipinas.

Nagdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na isama ang 6-foot-7 hoopster para sa dagdag taas at talento sa national team, lalo sa kampanya sa iho-host ng bansa na 2023 FIBA World Cup.

Kinumpirma mismo ng Fil-Am Nation Select ang desisyon ni Roberts, nakatakdang maglaro sa Jackson­ville State University, na mapabilang sa Gilas squad.

Dual citizenship holder si Roberts na asam makapaglaro para sa national men’s team na kinabibilangan din ng young ­players na sina Dwight Ramos, ­Angelo Kuame, SJ Belangel at RJ Abarrientos.

Ilang Filipino-American players pa ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na makasama sa Gilas Pilipinas na nakatakdang sumabak sa FIBA World Cup Qualifiers.

Maliban sa World Cup, nagpeprepara din ang national squad para sa 31st Southeast Asian Games (SEA) Games sa Vietnam sa susunod na taon, at Asian Games sa Hangzhoua sa 2023.

163

Related posts

Leave a Comment