MARUMING POLITIKA SA MARILAO

BAGO TO

Habang papalapit ang simula ng kampanyahan sa Marilao, Bulacan ay umiinit naman ang pani­nira ng ilang kandidato sa kapwa nilang kandidato. Nitong nakaraang araw nga ay kinanyon ng sinlaki ng kamao ng hindi pa nakikilalang salarin ang pagtitipon na ginanap sa Barangay Ibayo kung saan hinarap ito ng kandidato sa pagkamayor na si Atty. Jemina Sy, ang tinaguriang “Batang Dalubhasa”.

Buti na lamang at walang tinamaan nang malubha sa ipinukol na bato na lumusot sa trapal mula sa itaas, may mga bata pa mandin sa pagtitipon. Pero sa pagtalbog ng bato sa semento ay tumama sa babaeng staff ni Sy. Minor lang naman ang naging tama nito.

Bago ang pagtitipon ay tinangka ng mga traditional politicians na katunggali ni Sy na papasukin siya sa natu­rang barangay upang dumalo sa pagtitipon na inorganisa ng mga mamamayan doon kung saan siya ay inimbitahan. Natuloy ang pagdalo ni Sy sa kagustuhan ng mga tao.

Dahil sa pangyayari, agad na kinondena ito ng partido ni Sy at nag-alok pa ang abogado ng kon­ting pabuya sa sinomang nakakita sa naghagis ng bato. Kasabay din nito na hiningi ng mga tagasuporta niya ang agarang imbestigasyon ng lokal na pulisya na matukoy at maaresto ang suspek at panagutin sa kanyang ginawa. Ang mahalaga, hindi na dapat maulit pa ang pangyayari.

Malaki ang hinala ng mga tagasuporta ng abogada na pakana ito ng kanyang mga katunggali sa pagkamayor dahil sa napakalakas nitong karisma sa masa. At hindi naman talaga maipagkakaila na kapag gaga­napin ngayon ang halalan ay ila­lampaso talaga sila ni Sy.

May mga balita-balita na rin na magsasanib puwersa na ang dalawang katunggali ng abogada na umano’y may kaakibat pang bayaran umano sa pagitan nila. Pero kahit na magsanib puwersa pa sila, ayon sa aking mga nakausap, tataob pa rin sila pagdating ng eleksyon sa Mayo.

Kapansin-pansin na rin ang umaatikabong paninira laban sa abogada, lalo na sa social media, na kung anu- ano na lamang ang ibinabato sa kanya pukawin o linlangin lamang ang botante ng Marilao sa kanilang kasinungalingan. Palaban pa naman itong abogada na ito!

Ang Marilao ay pinamumugaran ng tinatawag natin sa mundo ng politika na “political kingpins” o “traditional politicians”. Kung sino ang i­nguso nila na tatakbo sa politika ay siya ang tatakbo. Pero ngayon, hindi nagpasailalim sa ganitong sistema ng politika si Sy dahil mas pinili ang pakiusap ng nakararaming Marilenyo na dapat kumawala na sa kuko ng mga political kingpins o tradpols na ito.

Dahil dito, pagkakaisahan talaga siya. Kaya rin naman tumakbo sa politika ang abogada na galing sa sarili niyang bulsa at mga tagasuporta nito ang pondong gagamitin niya sa kampanya. Sa aking pagkakaalam ay hindi niya kailangan ang ayuda mula sa grupo ng lumang politika sa Marilao.

Ang mahalaga ay uupo na ang Batang Dalubhasa sa munisipyo ng Marilao, malapit na!

Ang ginawang pambabato sa pagtitipon na dinaluhan ni Sy ay nagpapakita na dinadaan na sa dahas ng kanyang mga katunggali dahil alam nila at hindi na nila mapipigilan pa ang pag-upo ni Sy sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Marilao. (Bago  to! / FLORANTE S. SOLMERIN)

280

Related posts

Leave a Comment