PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ng P3,000 livelihood assistance ang 191 pasyenteng gumaling sa tuberculosis (TB) matapos ang anim hanggang walong buwang gamutan, habang 116 pa ang ipinoproseso na ang cash aid.
“TB is deadly, but it can be cured. We want to encourage Navoteños who contracted TB to get themselves treated early and avoid spreading the disease to their family members and community,” ani Mayor Toby Tiangco.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 2020-05, naglaan ang Navotas ng P3,000,000 kada taon para sa TB Control Program ng lungsod. (ALAIN AJERO)
