7 WANTED NABITAG NG PNP-PRO5

PITO katao na pawang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasakote ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa inilunsad na all-out campaign against wanted persons noong Nobyembre 24, 2021.

Una sa listahang isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang 69-anyos na street sweeper ng Casiguran, Sorsogon na kinilalang si Isidoro Borromeo Jr. y Hibe, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8048 o “Preservation Act of 1995” batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng Municipal Circuit Trial Court ng Juban/Casiguran, Fifth Judicial Region, Probinsya ng Sorsogon, Juban, Sorsogon noong Setyembre 11, 2011.

Sa Legazpi City, hindi rin nakapalag ang wanted person na si Jovit Jacob na dinakip sa kasong pagnanakaw, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng MTCC Branch 1, Legazpi City noong Nobyembre 22, 2021.

Timbog naman sa manhunt operation ang driver na si Ronnie Hidalgo y Regonaos, 39-anyos, residente ng Barangay North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte, dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan sa Omnibus Election Code at COMELEC Resolution No. 10429.

Sinundan ito nang pagkakaaresto sa 40-anyos na empleyado ng San Jacinto na kinilalang si Victorino Esparrago y Mores, may kasong attempted murder.

Habang dinampot ng pulisya ang 65-anyos na Rustom Asejo y Rodulfo, residente ng Brgy. Binanuahan, Bato, Catanduanes, dahil sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury.

Rehas na bakal naman ang kinasadlakan ng 53-anyos na si Alfredo Balang Layderos makaraang arestuhin sa Purok 1, Brgy. Sta. Cruz, Malilipot, Albay dahil sa kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling Laws).

Nadakip din ang 44 anyos na si Edgar Laad y Zantua dahil sa kasong homicide.

Ang arestadong mga indibidwal ay nasa kustodiya ng himpilan ng MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (JESSE KABEL)

150

Related posts

Leave a Comment