183 MULA SA SOUTH AFRICA ‘DI PA MAKITA

MISTULANG naghahanap ng karayom sa isang bunton ng dayami ang hirap na dinaranas ngayon ng Department of Health (DOH) sa pagtunton sa 183 indibidwal na dumating sa bansa mula sa South Africa kung saan unang natuklasan ang presensiya mas mabagsik na peligrong dala ng Omicron variant.

Sa tala ng DOH, 254 kataong napag-alamang may travel history sa South Africa ang lumapag sa iba’t ibang paliparan sa bansa ilang araw bago pa man naglabas ng travel ban ang Palasyo bunsod na rin ng babala ng World Health Organization sa banta ng Omicron variant na ayon sa mga eksperto ay 500 ulit na mas m,abangis kesa sa Delta variant.

Sa nasabing bilang, 71 pa lang ang natutunton ng pa,ahalaan, ayon mismo kay Health Undersecretary Rosario Vergeire.

Sa 71, tatlo na ang nagpositibo habang 67 pang iba ang isinasailalim sa confirmatory test. Tatlo pa lamang ang lumalabas na negatibo.

“The 3 South Africans who arrived in Negros Occidental last Nov. 25 and 26 are all fully vaccinated and are all currently asymptomatic. They are undergoing home quarantine in a rented house and underwent reswabbing on Dec. 1 with pending test results,” ani Vergeire. (RENE CRISOSTOMO)

193

Related posts

Leave a Comment