Sa mga daraanan ng Bagyong Odette LIBONG PASAHERO STRANDED

LIBONG pasahero at daan-daang sasakyang pandagat ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Eastern Visayas, Bicol region at Northeastern Mindanao kasunod ng pagpasok ng Bagyong Odette.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1,606 pasahero, tsuper at cargo helpers ang naipit sa mga pantalan.

Aabot din sa 879 rolling cargoes, 13 sea vessels at dalawang motor banca ang pansamantalang pinigil sa pagbyahe.

Nasa 161 sea vessels at 52 motor bancas naman ang nakikisilong sa iba’t ibang pantalan habang dumaraan ang bagyo.

Una nang inilagay ng PCG ang kanilang mga tauhan sa ‘heightened alert status’ dahil sa Bagyong Odette.

Nakahanda naman ang PCG deployable response groups (DRGs) para magkasa ng evacuation o rescue operations kung kinakailangan.

Ayon sa PCG, nakararanas ng light to moderate sea condition sa Bicol region habang moderate sea condition naman sa Eastern Visayas at Northeastern Mindanao.

Fake news

Samantala, pinayuhan ng Malakanyang ang mga naninirahan sa lugar na dadaanan ng Bagyong “Odette” na huwag maniwala sa fake news at kumuha lamang ng kanilang weather news mula sa reliable sources.

“Sa mga residente ng mga lugar na dadaanan ng bagyo, maging laging handa at maging ligtas,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Huwag pong maniwala sa fake news o sa mga naririnig sa tabi-tabi. Please get weather advisory and bulletin updates from official government websites and official news channels,” aniya.

Nauna rito, nagbigay naman ng katiyakan ang Malakanyang sa publiko na handa ang national government sa Bagyong Odette na may international name “Rai”.

“The weather disturbance gained strength upon entering the Philippine Area of Responsibility (PAR). Typhoon signal No. 2 has been raised in some areas in Mindanao because of Odette,” ayon sa report. (RENE CRISOSTOMO/CHRISTIAN DALE)

177

Related posts

Leave a Comment