OBIENA SUPORTADO NG PALASYO

PATULOY na susuportahan ng Malakanyang ang mga atleta ng bansa kabilang na si star pole vaulter EJ Obiena.

Umaasa si acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kaagad mapaplantsa ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

“Hopefully they will all be threshed out for the allegations of fund misuse and other such allegations,” ayon kay Nograles.

“Documents, we have been told, have already been sent to the Philippine Sports Commission and the Commission on Audit, so let us await further development in that regard or if they will issue a statement on that matter,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Nauna rito, inihayag ng sports association na nakatakdang tanggalin ng PATAFA si Obiena.

Ginawa ng PATAFA ang hakbang, matapos lumabas ang resulta ng imbestigasyon nito sa hindi umano pagbabayad ni Obiena ng coaching fees sa coach na si Vitaly Petrov, gayundin ang kanyang palsipikasyon ng liquidation documents.

Ayon sa PATAFA’s Investigative Committee, nag-misappropriate si Obiena ng halagang 61,026.80 euros (P3,661,608), na ibinigay sa kanya ng PATAFA at ng Philippine Sports Commission bilang bayad sa coaching fee ni Petrov.

Ang kanyang ina, ang dating auditor ng PATAFA na si Jeanette Obiena, ay napatunayang nag-misapropriate din ng halagang P624,116.76 na inangkin niya mula sa PSC “sa dahilan na ito ay reimbursement ng coaching fee na binayaran kay Mr. Petrov para sa mga buwan ng Enero 2019 hanggang Marso 2019”.

Dahil dito, inirekomenda ng PATAFA Investigative Committee na agad tanggalin si Obiena sa national training pool at kasuhan ng estafa si Obiena.

Si Petrov naman ay irereklamo sa paglabag sa Integrity Code of Conduct sa World Athletics at sisibakin din bilang coach, habang ang adviser ni Obiena na si James Lafferty, ay idedeklara bilang persona non grata.

Ang mga rekomendasyon ay inaprubahan ng Board of Trustees ng PATAFA.

PATAFA kinastigo sa Kongreso

AKATIKIM naman ng pagkastigo mula sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ang PATAFA.

“Height of indifference and arrogance,” ang paglalarawan ni Manila Rep. Rolando “Rolan” Valeriano sa PATAFA na pinamumunuan ni Philip Juico.

“Saan ba humuhugot ng kayabangan ang mga taong ito sa PATAFA? Tingin ba nila sa sarili nila ay mga Diyos na sa isang pitik lang ay basta patatalsikin ang World Number 3 Pole Vaulter at isang Olympian na gaya ni EJ Obiena?,” ayon sa mambabatas.

Isa si Valeriano sa mga mambabatas na nagpatawag ng imbestigasyon ukol sa umano’y harassment ng PATAFA kay Obiena na mula sa Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon ng House committee on youth and sports noong December 4, 2021, pinabulaanan ni Obiena na hindi nito binayaran ang kanyang coach na si Vitaly Petrov.

Sa kabila nito, itinuloy ng PATAFA ang imbestigasyon laban sa atleta at noong Martes ay inanunsyo ng tanggapan ni Juico na tatanggalin na ang Olympian sa national team.

“Juico’s basis for this expulsion is that EJ allegedly misappropriated his coach’s salary. This, even though there is no evidence for it, as his coach even made a signed statement that he was fully paid,” dagdag pa ng kongresista.

Nangangahulugan na hindi na maaaring katawanin ni Obiena ang Pilipinas sa lahat ng kumpetisyon simula ngayong taon bagay na hindi matanggap ng ilang mambabatas sa Kamara.
Dismayado rin si Senador Pia Cayetano kay Juico dahil sa pagsasantabi sa atletang Pilipino.

“I am beyond disgusted with the latest actions and statements of PATAFA’s Philip Juico who is single-handedly killing the spirit of Filipino athletes. Despite the underhanded treatment EJ received from PATAFA, even after rendering a full accounting of his training funds and his coach’s confirmation acknowledging receipt of his full payment, it must be noted that EJ himself has said that he was willing to join the Philippine Sports Commission (PSC) mediation process after the POC has concluded its own investigation,” sabi ni Cayetano.

Giit pa ng senador, sa halip na kilalanin si EJ dahil sa magandang nilalaro nito sa mga pandaigdigang kumpetisyon ay kabaligtaran naman ang ibinigay ng PATAFA. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD/NOEL ABUEL)

217

Related posts

Leave a Comment