MALINAW sa doktrina ng husgado at maging sa mga quasi-judicial bodies tulad ng Commission on Elections (Comelec) ang panuntunang pagtanggap ng dissenting opinion ng sinomang mahistrado sa kondisyong may pagpapasya na sa kaso.
Paniwala ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, masyadong napaaga ang paglalabas ng dissenting opinion ni Comelec commissioner Rowena Guanzon kaugnay ng kasong diskwalipikasyong inihain laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na kandidatong Pangulo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
“If the 1st Division does not promulgate a decision by the time commissioner Guanzon’s term of office ends on February 2, then we can safely say that her dissenting opinion can no longer be part of the final case resolution,” ani Roque na kandidato naman sa posisyon ng senador sa ilalim ng BBM-Sara Uniteam.
Giit ni Roque, ang batas kaugnay ng fix term ni Guanzon ang mismong dahilan kung bakit hindi na aniya dapat pang maging bahagi man lang ng magiging hatol ng Comelec sa kasong kinakaharap ni Marcos ang dissenting decision na unang inihayag ng kontrobersyal na komisyonado bago pa man ilabas ng komisyon ang pasya ng election body.
“Her fixed term, unfortunately, precludes the commissioner from insisting that her opinion become a part or be included in the consolidated decision of the 1st Division after February 2,” paliwanag ng dating human rights lawyer.
Ayon pa kay Roque, isang abogado mula pa 1990 at dating propesor ng UP College of Law, nakadidismaya sa hanay ng mga abogado ang ipinamalas na katampalasan ni Guanzon nang ilabas ang kanyang dissenting opinion para sa isang kasong patuloy pang tinitimbang ng iba pang kasamahang komisyunado.
Wala rin aniya sa mandato ni Guanzon bilang commissioner ang pangunahan ang Comelec dahil isa lamang siya sa marami pang ibang commissioners na bahagi ng pagpapasya bilang isang quasi-judicial institution.
“The commissioner released her opinion ahead of the 1st Division’s decision as it goes against the Comelec’s collegial nature. Can a decision of a member pre-empt the decision of a collegial body? The answer is no. The decision should be promulgated by the Division itself and not by an individual commissioner,” giit pa niya.
Aniya, may mga impormasyong pwedeng masilip o panghawakan ng sinumang abogadong miyembro ng hudikatura o ng isang institutional commission tulad ng Comelec, subalit hindi maaaring ilabas hanggat wala pang pinal na desisyon.
Kumbinsido rin si Roque na hindi malulusutan ni Guanzon ang mga kasong administratibong may kalakip na parusa, kahit pa retirado na ito sa serbisyo.
“Although they can be removed from office through an impeachment initiated by the House and with the Senate sitting as an impeachment court, erring justices or commissioners can still be subject to disciplinary measures,” diin pa ng dating tagapagsalita ng Palasyo.
Hindi rin pinalampas ng senatorial aspirant ang pagkakataong magpasaring kay Guanzon. Aniya, hindi uubra ang pagiging siga at pambabarako ni Guazon sa mga kasamahang commissioners.
“Comelec is collegial because all commissioners are in equal standing. They should act as one body regardless of whether the decision is unanimous or there is a dissenting opinion,” pahabol pa niya. (CESAR BARQUILLA)
102