PNP-CAR AT PDEA PINURI SA PAGSALAKAY SA MARIJUANA PLANTATION

PINURI ni ACT-CIS at Benguet caretaker Cong. Eric Yap ang PNP-Cordillera at PDEA operatives sa pagsalakay sa sampung marijuana plantation sa Benguet at Kalinga, kamakailan.

Ayon kay Cong. Yap, dahil sa good intelligence work ng mga law enforcement ay nadiskubre ang sampung Marijuana plantations.

Sinabi ng mambabatas, matagal na niyang naririnig ang tungkol sa nasabing plantation ng Marijuana, pero puro bulong-bulong lang hanggang sa trabahuin ng mga awtoridad.

“This clearly shows na marami pa rin sa ating mga alagad ng batas ang dedicated sa trabaho lalo na ang pagsugpo sa droga sa ating bayan,” ani Yap.

Ang operasyon ng PDEA at PNP-CAR ay nagresulta sa pagkakahuli sa anim na drug personalities sa Benguet at isa sa Kalinga.

Mahigit P8-million Marijuana plants ang binunot at agad na sinunog ng mga awtoridad.

97

Related posts

Leave a Comment