HINILING ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan ang 10,000 overseas Filipino workers (OFWs) na naka-deploy sa Russia at maging ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
Ito ay dahil posibleng hindi makapagpadala ng pera sa kanilang pamilya ang mga OFW bunsod ng ipinataw na parusa sa Russia dahil sa pag-atake sa Ukraine.
“The global sanctions are bound to hit Russia’s banking system very hard, possibly obstructing the money transfers of the more than 10,000 Filipino workers there,” ayon sa mambabatas.
“We are counting on the OWWA to reach out to the families here at home of our workers in Russia, and to provide them temporary financial relief,” dagdag pa ng mambabatas.
Base sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ayon sa statistics, P115.8 million ($2.3 million) ang remittance ng mga OFW sa Russia noong 2021.
Tinataya ng Philippine Embassy na 95% sa OFWs sa Russia ang nagtatrabaho bilang household service workers, cleaners, cook at driver kung saan karamihan sa mga ito ay nasa Moscow.
Posibleng mawalan din umano ng trabaho ang mga ito, na isa sa mga maaaring idulot ng parusa sa nasabing bansa.
Kasabay nito, pinaghahanda rin ni Defensor ang gobyerno sa posibleng paglikas sa OFWs sa Russia kapag lumala pa ang sitwasyon.
“The prospect that some of our workers there might lose their jobs is very real, considering the projections that the Russian economy might plunge into a depression due to the global sanctions,” pahayag pa ng solon.
216